Tuwing nageeleksyon ang mga tao ay hindi mayaw sa pagpili ng magiging kasunod na pangulo ng ating bansa, ngunit ano nga ba ang mga kailangang lutasin na problema ng ating magigiging kasunod na pangulo. Una, ang kawalan ng trabaho. Pero bakit mga ba kakaunti lamang ang mayroong trabaho kahit tapos sila ng kolehiyo? Ang isang aspekto nito ay ang kawalan ng demand. Maraming mga kumpanya ang hindi na kukuha ng mga tao upang magtrabaho dahil puno na ito at ang iba ay hindi nakatapos ng kolehiyo, isa pa ay ang kawalang aksyon ng Gobyerno sa mga propesyonal dahil puro na lamang proyekto ang mga ginagawa nila pero wala namang nangyayari kaya naman ang iba kahit mahirap sa kalooban ay pumupunta sila ng ibang bansa upang doon magtrabaho at makakita ng mas magandang kinabukasan.
At ang pinaka malaki at karumal-dumal na problema ng ating bansa ay ang trapik, Trapik! Trapik! Trapik! Kahit saan meron nan. Nagising na rin sila sa wakas dahil ang publiko, nagagalit na, miserable na ang buhay dahil sa trapiko, malungkot, nawawalan ng pag-asa at malapit nang mapuno. Aminado ang MalacaƱang na kaya nagkakawindang-windang ang trapiko sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng imprastruktura partikular ng mga daan at flood control infrastructure o mga kanal at estero.
Ganito rin ang suhestiyon ng Management Association of the Philippines (MAP). Imprastruktura, pagbibigay ng sapat na impormasyon at kaalaman sa publiko at pagpapatupad ng batas. Kung tawagin nila engineering, education at enforcement.


