Saturday, October 17, 2015

Eleksyon nanaman o kay tulin ng araw, sari-sari nanaman ang mga mukhang makikita natin sa telebisyion, sa cellphone, sa poste man ng kuryente, sa linya ng kuryente at maging sa maputing pader na ngayon ay naging kulay bahaghari na dahil sa mga  makukulay na paraphernalias na idinikit nila dito. Ano nga ba ang eleksyon o halanan? At bakit ba ito mahalaga sa atin? Ang eleksyon ay isang pormal na proseso upang maghalal ng isang lider na mamumuno sa ating bayan.




Tuwing nageeleksyon ang mga tao ay hindi mayaw sa pagpili ng magiging kasunod na pangulo ng ating bansa, ngunit ano nga ba ang mga kailangang lutasin na problema ng ating magigiging kasunod na pangulo. Una, ang kawalan ng trabaho. Pero bakit mga ba kakaunti lamang ang mayroong trabaho kahit tapos sila ng kolehiyo? Ang isang aspekto nito ay ang kawalan ng demand. Maraming mga kumpanya ang hindi na kukuha ng mga tao upang magtrabaho dahil puno na ito at ang iba ay hindi nakatapos ng kolehiyo, isa pa ay ang kawalang aksyon ng Gobyerno sa mga propesyonal dahil puro na lamang proyekto ang mga ginagawa nila pero wala namang nangyayari kaya naman ang iba kahit mahirap sa kalooban ay pumupunta sila ng ibang bansa upang doon magtrabaho at makakita ng mas magandang kinabukasan.


Pangalawa ay ang problema sa Mass Transportation System(LRT/MRT), sira dito, sira doon maging nagpapalakad nito ay may sira. Bakit nga ba ito nasisira? Dahil sa pangangalagad nito, ni-hindi man ito nabigyan ng wastong pangangalaga ng gobyerno at ang isa pa ay hindi nila ito hawak, at hawak ito ng isang pribadong kumpanya upang ito ay mapatakbo kaya naman ang kita nito ay hindi sa gobyerno napapapunta kundi sa pribadong kumpanya kaya naman hindi masyado ito napapangalagaan at ang isa pa ay kapag may sirang nangyari ay sisi agad sa gobyerno hindi naman alam ng mga taumbayan na sa pribadong kumpanya ito, kaya huwag agad manisi. Pero diba? Sabi ng Gobyerno ay magkakaroon daw ng mga bagong tren na dadagdag sa mga lumang tren, pero nasaan na ito? Umaasa kami DOST! Kung hindi naman kayo maglalagay ng bagong tren ay huwag niyo itong ipahayag sa media, MASAKIT UMASA!


At ang pinaka malaki at karumal-dumal na problema ng ating bansa ay ang trapik, Trapik! Trapik! Trapik! Kahit saan meron nan. Nagising na rin sila sa wakas dahil ang publiko, naga­galit na, miserable na ang buhay dahil sa trapiko, malungkot, nawawalan ng pag-asa at malapit nang mapuno. Aminado ang Malacañang na kaya nagkakawindang-windang ang trapiko sa Metro Manila dahil sa kakula­ngan ng imprastruktura partikular ng mga daan at flood control infrastructure o mga kanal at estero.
Ganito rin ang suhestiyon ng Management Association of the Philippines (MAP). Imprastruktura, pagbibi­gay ng sapat na impormasyon at  kaalaman sa publiko at pagpapatupad ng batas. Kung tawagin nila engi­neering, education at enforcement.

10 comments:

  1. Piliin natin ang karapat dapat na mamumuno sa ating bansa.

    ReplyDelete
  2. Hypokrito kasi ang pinoy.

    ReplyDelete
  3. Hypokrito kasi ang pinoy.

    ReplyDelete
  4. Kaya naman dapat tayong bumoto ng ayos para na rin sa kaayusan ng ating bansa

    ReplyDelete
  5. Huwag magpadala sa mga salita at pangako dapat ay sa gawa natin ito dapat makita. Action speaks louder than words ika nga. Para sa mga govyerno natin huwag naman sanang nila sirain ang tiwalng ibinibigay ng bawat filipino

    ReplyDelete
  6. Dapat nang solusyunan ang problema ng ating bansa nang tayo ay umunlad

    ReplyDelete
  7. Siguraduhin natin ang mga boto natin ay para sa karapat-dapat

    ReplyDelete